MT. PROVINCE - Patay ang isang construction worker habang dalawa pa ang sugatan matapos matabunan ng gumuhong lupa sa isang construction site sa Bauko nitong Miyerkules ng umaga.

Nahugot sa gumuhong lupa si Rodante Nabor Laluan, taga-Pozorrubio, Pangasinan, gayunman, dead on arrival na ito sa ospital

Ginagamot pa sa ospital sinaMark Steve Nabor at Rocky Bernes, pawang taga-Pozorrubio, Pangasinan.

Sa paunang report ng pulisya, naglalagay ng steel footing ang grupo ni Laluan sa compound ngLuis Hora Memorial Regional Hospital, Barangay Abatan, Bauko dakong 11:30 ng umaga nang biglang gumuho ang kanilang kinatatayuan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nahugot sa ilalim ng lupa ang tatlo matapos ang mahigit kalahating oras na search and rescue operation ng mga tauhan ngBauko Municipal Station, Bureau of Fire at 2nd platoon ng 1st Provincial Mobile Force Company.