"Hindi kasi nila alam na wala ka ng kinita kay Liza sa huling dalawang taon ng inyong kontrata," ani Xian.

May mensahe ang online personality na si Xian Gaza sa dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz.

Sa isang Facebook post ni Xian nitong Lunes, tila naiintindihan niya ang pinagdaraanan ng dating talent manager ni Liza. Aniya, hindi raw umano alam ng mga tao na wala na itong kinikita kay Liza sa huling dalawang taon ng kontrata nito.

"Pareng Ogie, bina-bash ka nila at tinatawag na mukhang pera. Nanghihinayang ka daw sa kikitaing pera kay Liza kaya ka kumukuda. Hindi kasi nila alam na wala ka ng kinita kay Liza sa huling dalawang taon ng inyong kontrata," saad ng online personality.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Bukod dito, hindi rin daw nakikita ng mga tao ang naitutulong ni Ogie sa alaga niya bilang ikalawang ama.

"Hindi kasi nila alam na tinuruan mo siyang mag-invest sa mga lupa lupa kaya nag-x3 yung kinita niya sa pag-aartista. Ang nakikita lang nila ay yung 10-20% commission mo bilang manager. Hindi nila nakikita yung mga naitulong mo sa bata bilang ikalawa niyang ama.

"Hindi nila alam na sobra ka lang nag-aalala dahil yung tinake niyang risk ay hindi kalkulado at maaaring ikamatay ng kanyang karera," lahad pa niya.

Ang wish lang daw ngayon ni Xian ay hindi matuluyang masira ang pinagsamahan ng dalawa.

Samantala, may mensahe rin siya sa aktres. Ibinahagi rin niya na naka-bonding niya si Liza noong 2017.

"Naka-bonding ko si Liza on January 1, 2017 sa bahay ni Pareng Ogie Diaz. After the party eh pinag-drive ko ang Familia Soberano to NAIA Terminal 1 at magta-travel kasi sila sa Japan. Ang tawag sa akin ni Liza ay "Chairman"," chika niya pa.

"Liza, kung makarating man sayo ang post na ito, gusto ko lang sabihin na I miss you and I'm rooting for you sa bagong landas na tinatahak mo. Nawa'y magtagumpay ka sa Hollywood. I hope to see you soon again."