Halos apat na araw matapos ilabas ng lead rapper na si Josh ng P-pop powerhouse SB19 ang music video ng kaniyang solo debut single, nanatili sa trend list ang naturang kanta sa video streaming giant na YouTube.

Ikaapat sa trendlist para sa kategoryang music ang MV ng “Wild Tonight” sa pag-uulat.

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Inabangan ng maraming fans at masugid na tagahanga ni Josh ang solo single nito na Disyembre 2022 pala ang orihinal na target release.

Matatandaan ang naging abalang “Where You At” world tour ng SB19 noong nakaraang taon.

Para naman sa inspirasyon ni Josh sa isinulat na kanta, mga tumatakbong saloobin sa sarili, para sa fans at lalo na sa mga hindi naniwala sa kaniya noon ang sentro at tema ng kanta.

“A lot of things, maybe nag-focus siya kung ano ang tumatakbo sa utak ko kasi parang halu-halo eh. Nonbelievers, specifically sa akin. ‘Yung mga hindi naniniwala sa akin na gumagawa ng kung ano-anong sabi-sabi. Syempre ‘yung mga taong sumusuporta sa akin, and lastly, ‘yun nga ‘yung tumatakbo sa isipan ko,” anang rapper sa isang panayam kamakailan.

Magkahalong electronic, dance music, pop at hiphop ang sama-samang genre ng kanta para sa provocative at edgy na tunog ng produksyon nito.

Samantala, naging hands-on din sa world-class na music video ang SB19 member kung saan lalo aniya niyang nadiksubre ang kaniyang musicality at maturity bilang artist.

Pawang papuri naman mula sa fans ang natanggap lang na feedback ni Josh sa brand new musical treat.

“Bias aside huh but now lang ako nakapanood ganito kaganda pinoy MV na pwede ihanay sa mga foreigners or sabihin na natin pantapat pa sa kpop. JoshCullen really sets d bar high. Ibang klase po creativity ng josh huhu. You can never set aside all SB19 members are really talented tandaan nyo yan,” anang isang fan sa YouTube.

“Hindi tinipid, High quality! Ganda ng lyrics, Love the rap, Great choreography and ang ganda ng theme! Congrats Josh and to the whole team 👏❤️” segunda ng isa pa.

“The MV is so good it's solid makikita mo na ginastusan talaga,at may pagkakaisa ang lahat na mapataas ang quality ng pop music satin lalo na pati ang participation ng 1st One,they also I admired the sound so addictive well done Josh 👏

“Gone the days na pucho pucho ang mga MV ng Filipino artists. I'm glad na may ganitong artists who take risk to showcase what a modern pinoy pop can be. Ipagpatuloy niyo yan! Set the bar high!”

“Kada linya ng lyrics, napapangiti na lang ako sa sobrang satisfaction talaga.. It is really perfect, sa song every part ang ganda talaga, addicting at mapapasayaw ka talaga, yung music video, grabe ang concept at execution.. I'm always proud of my bias, but I guess, it's this moment that I'm the proudest!”

“This MV is the standard. Galing mo sobra ssob! Sobrang nakakaproud maging A'TIN. Lagi niyo ineexceed expectations namin. Can't wait to your upcoming releases with your SB19 brothers.”

Basahin: Felip, nagpabilib sa debut EP na ‘COM.PLEX’; nais patunayang ‘versatile’ ang SB19 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Josh ang ikatlong miyembro ng SB19 na naglapag ng kaniyang solo project kasunod nina SB19 Ken o Felip, at SB19 Pablo

“Makarisma talaga si josh! Galing. At nakakatuwa talaga na ang dami ding dance crews at other creatives ang naiiaangat ng ppop. Kudos rin sa editor ganda ng MV. 🎉

“That's a real wild! Josh you never failed to make us proud. You're indeed a legend, keep making music. Fully support to SB19 and sa mga solo niyo! Walang pinagsisihan naging ATI'N ako!”

“GRABII GANDA NG QUALITY!!! BOTH MV AND SONG!!! grabee ssob really surprised us!!! deserved!!!! proud of youuuu!”

“Pinatunayan lang naman ni Josh kung bakit siya yung charismatic member ng SB19. Grats brother Josh! Lupet ng quality ng MV, Rap, Beat, Drop, Choreo, Cinematography, etc. Kudos sayo at sa team mo ssob! Cheers!”

Kasalalukuyang tumabo na sa mahigit 400,000 views ang naturang MV sa YouTube habang nasa mahigit 242,000 streams naman ang “Wild Tonight” sa Spotify.