Proud na proud ang estudyanteng si Alexis Josh Guadaña ng City College of Tagaytay (CCT) sa kaniyang natanggap na academic excellence award na "With High Honors" kaya naman todo ang pag-flex nito ng kaniyang sertipiko… kahit nasa loob siya ng pampasaherong jeep!

"Hindi naman sa pagmamayabang ano," aniya sa kaniyang viral Facebook post na may hashtag na #humbleposting.

Mga Pagdiriwang

National Coming Out Day, paano nga ba nagsimula?

Ang nakakaaliw, bukod sa loob ng pampasaherong jeep, dala-dala at ibinalandra ni Alexis sa publiko ang kaniyang sertipiko habang naglalakad sa kalsada, sakay ng escalator, papasok ng mall, pagtambay, at maging sa loob ng palikuran.

Katuwaan lamang naman daw ito, pero dapat nga naman kasing ipagmalaki ang mga ganitong uri ng scholastic achievements lalo't pinaghirapan ito.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!