Tatlong lucky bettors ang pinalad na magwagi sa jackpot prizes ng dalawang lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na sabay na binola nitong Lunes ng gabi.

Sa paabiso ng PCSO nitong Martes, nabatid na isang lone bettor ang nakahula sa six-digit winning combinations na 09-08-05-01-30-52 ng Grand Lotto 6/55 kaya't solo nitong naiuwi ang total prize na ₱75,248,476.20.

Ang kanyang lucky ticket ay nabili sa Novaliches, Quezon City.

Samantala, dalawang lucky bettors naman ang maghahati sa ₱11,631,365.60 jackpot prize ng MegaLotto 6/45 matapos nilang mahulaan ang six-digit winning combination na 25-04-11-35-15-09.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang kanilang lucky tickets ay parehong nabili sa San Pablo, Laguna.

Kaugnay nito, pinayuhan ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang mga lucky winners na magtungo lamang sa PCSO main office sa Mandaluyong City kung nais na nilang makubra ang kanilang napanalunang premyo.

Kailangan rin aniya ng mga ito na magprisinta ng dalawang balidong ID at ang kanilang winning ticket.

Paalala ni Robles, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law, ang lahat ng lotto winnings na mahigit sa ₱10,000 ay papatawan ng 20-percent final tax.

Ang mga premyo naman aniya na hindi makukubra matapos ang isang taon ay mapo-forfeit at otomatikong mapupunta sa kawanggawa.

Ang GrandLotto 6/55 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang MegaLotto 6/45 ay may bola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.