Humanga ang kapwa celebrities at netizens sa pag-flex ni GMA trivia master at host Kuya Kim Atienza sa kaniyang abs at fit na katawan, na resulta ng kaniyang matiyagang pag-eehersisyo at pangangalaga sa katawan.

Ayon kay Kuya Kim sa kaniyang Instagram post, handang-handa na siyang sumabak sa kauna-unahang body-building TV commercial.

"My first ever functional bodybuilding themed TVC coming out soon," saad sa caption ng Kapuso host.

"Abangan!"

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa isa pang Instagram post ay ibinahagi naman ni Kuya Kim ang video ng kaniyang pagbubuhat habang nasa isang gym.

"Lahat ikaw Lord!" caption niya rito.

Matatandaang matapos na maospital at maratay sa sakit noon ay ipinasya na ni Kuya Kim na mas tutukan na ang pangangalaga sa kaniyang katawan at kalusugan.