Kuwelang nagbigay ng paalala ang aktres si Janice de Belen patungkol sa trending na eksena kamakailan sa teleseryeng “Dirty Linen” ng ABS-CBN.

Ginagampanan ni Janice ang karakter ni Leona Fiero na asawa ng karakter ni John Arcilla na si Carlos Fiero kung saan sa isang eksena, tila tinangkang patayin ni Leona ang asawa nito habang natutulog sa pamamagitan ng pagdagan dito gamit ang unan. Bigla namang nagbago ang isip ni Leona at hinampas na lamang si Carlos at sinabing binabangungot ito sa kalagitnaan ng kaniyang mahimbing na tulog.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/tristanfull/status/1628752748551487488?s=46&t=-mPJ6fAg_bmXNspYCeBqeQ

Sa isang TikTok post, pinaalalahanan ni Janice na bagama’t marami ang naaliw sa eksena, ay huwag itong gagawin sa kanilang mga asawa.

“Alam ko po nag-enjoy kayo nang hinampas ko ng unan si Carlos, pero guys huwag niyo pong gagawin ‘yun sa mga asawa niyo, ha? Ako lang po ‘yun,” lahad ni Janice habang katabi niya si John sa video na natawa na lang sa pahayag ng kaniyang co-star.

Kinaaliwan naman ng netizens ang nasabing video na sa ngayon ay mayroon ng higit isang daang libong views.

Mapapanood ang “Dirty Linen” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV at TV5.