Usap-usapan ngayon ang TikTok video ng isang netizen patungkol sa kaniyang ex-girlfriend na ikinasal na sa iba, subalit nagawa pa rin niyang tuparin ang dating pangako niya rito---ang maging pinakamagandang babae sa kasal nito!

Si Ericson Pascual, ang ex-boyfriend ng bride, ay siyang naging make-up artist niya.

Mababasa sa text caption ng TikTok video ni Ericson na ipinangako niya noon sa kaniyang ex na ito ang magiging pinakamagandang babae sa kasal nila.

Subalit sa araw ng kasal nito, hindi siya ang naging groom nito.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Gayunman, tinupad pa rin ni Ericson ang kaniyang pangako, nang maging make-up artist siya nito, ayon sa panayam ng Balita.

"At least natupad ko yung sinabing kong ikaw yung pinakamaganda sa wedding mo kasi ako ang make-up artist mo," aniya sa caption ng kaniyang Facebook post.

Ayon kay Ericson, masaya na siyang nasa "tamang tao" ang kaniyang ex-girlfriend.

Marami naman sa mga netizen ang nabagbag sa kuwento ni Ericson.

"Grabe napaka-strong ni Past. Nagawa pang make-upan yung ex-gf n'ya l salute you Kuya Ericson."

"That is called true love nagpapaubaya… pero parang ang sakit sa side ni Past."

"Wow… amazing story! Ano kayang kuwento? Anyare bakit sila nagkahiwalay?"

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!