Direktang sinabi ni King of Talk Boy Abunda na nadismaya siya sa ginawang vlog ni dating Kapamilya actress Hope "Liza" Soberano, na nagpapaliwanag sa naging dahilan kung bakit siya umalis sa poder ng kaniyang dating talent manager na si Ogie Diaz, sa Star Magic, at ABS-CBN.

Sa Tuesday episode ng "Fast Talk with Boy Abunda," inamin ni Boy na hindi niya nagustuhan ang mga nasabi ni Liza o Hope sa kaniyang vlog noong Linggo, Pebrero 26.

“I’m not disgusted… I’m extremely disappointed with the vlog," ani Boy na isang talent manager din.

“You can proceed with your career, redirect your career pero, sana, you can journey in gratitude."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Sana baon mo ang pagpapasalamat sa lahat ng mga nangyari at sa lahat ng mga taong dumaan sa buhay mo at kasama mo because you are where you are today dahil sa mga taong tumulong sa'yo."

“Do not disregard your past. Do not disregard the 13 years na minahal ka ng mga fans mo, at do not disregard the hard work that your managers put into who you are today,” dagdag pa ng King of Talk.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Liza o ang kampo ng "Careless" tungkol dito.