Nakauwi na sa wakas sa kaniyang pamilya ang isang 15-anyos na batang lalaki mula sa Bangladesh na nakarating sa Malaysia matapos magtago sa isang container habang nakikipaglaro sa kaniyang mga kaibigan ng tagu-taguan.

Sa Twitter post ni Malaysian Interior Minister Saifuddin Nasution noong Pebrero 23, inanunsyo nito ang muling pagkikita ng batang si “Fahim” at ng kaniyang pamilya noong Pebrero 21.

“Md. home delivery gift. Fatul Islam Fahim, a Bangladeshi who was trapped in a container in Port Klang,” tweet nito kalakip ang video ng bata na makikitang pauwi na kasama ang kaniyang pamilya.

Ayon pa kay Nasution sa inulat ng Mirror, wala raw nangyaring “foul play” sa pagkakakandado ni Fahim sa container dahil malinaw umano sa salaysay rin ng bata na sumilid lamang siya sa container para magtago sa kaniyang mga kaibigan.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

“We are not linking this to human trafficking, because the initial investigation found that he entered the container, fell asleep, and (was transported to) Malaysia,” anito.

Kamakailan nga ay naiulat ngang nagtago si Fahim sa isang container at nakatulog hanggang sa aksidenteng ma-lock doon noong Enero 11.

Hindi raw niya namalayang lumayag na ang barko na kinalalagyan ng tinaguan niyang container, hanggang sa makarating ito sa Port Klang sa Malaysia noong Enero 17.

BASAHIN: Batang nagtago sa isang container habang naglalaro ng tagu-taguan, nakarating sa ibang bansa