Paumanhin ang hinihingi sa publiko ng nagviral na Pinoy Henyo players na sina Lyca at Ryan dahil sa umano'y pandaraya.

Ang couple ay naging laman ng social media dahil sa umano'y pagsambit ni Lyca Alburo ng salitang "stomach" na siya namang pinahuhulaang salita kay Ryan Oraño.

BASAHIN: ‘Nandaya?’ Couple na nakapasok sa jackpot round ng ‘Pinoy Henyo,’ kinukuwestyon

Anang couple, hindi nila intensyon na mandaya sa laro kaya naman sa isang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," ay ipinaliwanag nila ang nangyari noong sila ang nakasalang sa Pinoy Henyo chair.

National

De Lima, hinamon si Roque na sumuko: 'Hindi 'yung nagtatapangan lang siya!'

"Hindi ko po intention na sabihin 'yung word na 'Stomach.' 'Yung dun po sa nangyari is dala po ng bugso ng damdamin. Lahat naman po tayo nagkakamali, di ba? Dala lang po ng emosyon—ng intense sa sarili kaya ganun po yung nangyari," pagpapaliwanag ni Lyca.

"Pasensiya na po kung ganun po 'yung way ng paglalaro namin. Pasensiya na po kung sa tingin ninyo may pandadayang maganap pero hindi ko po intensyon na mandaya."

Ipinaliwanag din ni Ryan kung ano ang ginawa niya sa jackpot round, nang tila binibigkas din niya ang salitang "Abra."

"Hindi po ako aware na nasasabi ko po 'yung word na 'yun kasi nate-tense po ako na sana masabi niya 'yung pinapahula po sa kaniya. Nu'ng nakita ko po 'yung video na 'yun nagulat po ako kasi nasabi ko po pala unintentionally po. Kaya hinihingi po ulit namin ng pasensya," depensa ni Ryan.

Humingi rin ng paumanhin si Lyka sa mga host at management ng "Eat Bulaga!" at sinabing hinihintay nila ang programa na maabot kung hihilingin sa kanila na ipaliwanag ang kanilang panig.