Nagbigay ng reaksiyon ang social media personality at motivational speaker na si Rendon Labador sa ulat ng Balita na umano'y ilang nagtitinda sa Quiapo, Maynila ang nagrereklamong nagiging matumal ang bentahan nila dahil naiistorbo sa taping ng action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Ang tsika na ito ay tinalakay naman sa "Ogie Diaz Showbiz Update."

Nagkomento si Rendon sa mismong comment section ng ulat ng Balita.

"Kung wala kayong budget para magtayo ng sarili ninyong studio, itigil na ninyo yang kalokohan ninyo na 'yan. Storbo kayo sa mga naghahanap-buhay diyan sa Quiapo. Itigil na ninyo yan!," aniya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Screengrab mula sa FB page ng Balita

Ibinahagi pa ni Rendon sa kaniyang sariling Facebook account ang screenshot ng Balita at saka kinomentuhan.

"Sa totoo lang storbo ka! Itigil mo na 'yan. Dapat ang title niyan 'Storbo Sa Quiapo,'" ani Rendon.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Coco o maging ang ABS-CBN tungkol dito.