Nagpahayag ng sama ng loob ang tinaguriang “All Purpose Queen” Yasmin Marie Asistido o “Kween Yasmin,” sa mga netizen na nagpapakalat ng edited photos kasama ang kaniyang personal bodyguard.

Makikita kasi sa mga larawang kumakalat online na “naka-bad finger” umano si Kween Yasmin habang kasama nito ang kaniyang personal bodyguard na itinuturing na niyang pamilya.

Pinutakte ng mga patolang netizens ang mga larawang ito kaya naman naparesbak ang “All purpose Queen.”

“Why are you doing this to me?! To making fake news. Para siraan image ko. Wala naman akong ginawang mali sayo para gawin ito sa’kin. Sobra na kasi eh. Deep inside nakakasakit na din ng damdamin eh. Pati personal bodyguard ko dinadamay n’yo so, pls stop doing this fake news.” galit na pangko-call out ni Kween Yasmin.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Aniya, “Hindi tama yung ginagawa n'yo eh. Pwede naman yung simpleng memes lang, pero yung ganitong scenario, aba ibang usapan na ‘to. Tas dadamay niyo pa yung personal bodyguard ko. Kasi for me, hindi lang siya basta personal bodyguard. Itinuturing ko sa kaniya bahagi ng family na. So, please stop doing this guys.”

Nanawagan naman siya na tigilan na ang pag-eedit ng kaniyang larawan.

“Tigilan n’yo na kaka-edit ng bad finger. Never akong nag picture ng naka- bad finger at alam ‘yan ng supporters ko. Naka- peace sign po ko diyan sa original photo na ‘yan.”