Pasado na sa House Committee on Higher and Technical Education ang House Bill No.6542 na inihain ni House Deputy Speaker and Las Piñas City lone district Rep. Camille Villar na naglalayong mabigyan ng ₱5,000 ang mga fresh graduates sa bansa.

Sa pahayag ni Villar nang ihain niya ang nasabing panukalang batas, malaki raw ang maitutulong ng ₱5,000 ayuda para sa paghahanap ng trabaho ng mga fresh graduate at maging sa panimulang gastusin nila kapag natanggap agad sa kanilang inapplyan.

BASAHIN: 5K ayuda para sa fresh grads, isinulong sa kongreso

Naipasa sa House Committee on Higher and Technical Education noong nakaraang Lunes, Pebrero 20.

National

Billboard ni Benhur Abalos, pinuna ni Clarita Carlos

Pinamunuan ang panel ni Baguio lone district Rep. Mark Go.

Wala naman umanong naging pagtutol ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya na dumalo sa hearing, bagkus ay nagbigay lamang ng suhestiyon ang ilang mga mambabatas ng maliit na pag-amyenda para mapabuti ang nilalaman ng panukala.

Isa na rito ang suhestiyon ni Nueva Ecija 1st district Rep. Mikaela Angela Suansing na isama sa suhestiyon ang pagbigay ng nasabing ayuda sa pamamagitan ng automated teller machine (ATM).