Sa viral Facebook Live na ibinahagi ng sikat na social media personality na si Senyora, makikitang pinayuhan ni Kylie Padilla ang netizens na tigilan na umano nila ang pambabarda sa Vivamax star na si AJ Raval.

Dagdag pa ng aktres, pagod na pagod na siya sa isyung "kabitan" at masaya na siya sa bagong kabanata ng buhay niya.

Aniya sa Facebook Live, "Sa totoo lang guys, pagod na pagod na ako sa mga kuwentong lumabas na "kabit." Tapos na ang kuwento, I mean, this is my new chapter of my life."

Paliwanag din ni Kylie, ito na umano ang huling pagkakataong sasagutin niya ang isyu at ayaw na niyang mabanggit pa ang kaniyang pangalan.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Natanong naman ni Senyora sa nasabing Facebook Live, kung totoo bang masaya si Kylie para sa relasyon nila ni AJ at Aljur.

Deretsahan namang sinagot ng aktres ang tanong ni Senyora.

Aniya, "I am really happy po, basta pagmahal n'yo ang isang tao, ayaw n'yo pong makita siyang malungkot. Kung saan po siya masaya at kung sino man ang nagpapasaya sa kaniya, I want them to take care of it and be happy."

Idiniin din ng aktres na hindi talaga si AJ ang dahilan sa hiwalayan nila ni Aljur at kung meron mang dahilan, hindi niya umano ito sasabihin sa publiko kung sino.

"Hindi po talaga si AJ yung reason. That's the truth. Naawa na rin po ako sa kaniya, ang hirap po na gigising ka sa umaga na puro "hate" ang nakikita mo. Please guys, tigilan na po natin. It's not fair to her, she's not lying and we're really okay. Kaya tigilan na po natin," sey ni Kylie.