"Angkas for all seasons"
Tila bigatin ang bagong endorser ng motorcycle ride-hailing app na 'Angkas' dahil ito'y walang iba kundi ang "Star for All Seasons" na si Vilma Santos-Recto.
Sa isang video na ipinost ng Angkas sa kanilang Facebook page, may pasulyap sila sa "Vagong a-angkas" na walang iba kundi ang batikang aktres.
Sa Instagram account naman ng aktres, ipinost din niya ang video at may caption na "Mabuhay, Angkas!"
Umani naman ng iba't ibang reaksyon at komento ang Facebook post ng Angkas.
"Vagong angkas sa Vatangas ksama si Mayor V."
"Wow if endorsong Ate Vi Syempre maganda yan kaya Angkas na"
"HANGGANG BATANGAS NA COVERAGE NI ANGKAS....ANGKAS MALAKAS"
"Angkas V-sekleta o Angkas Varko? Vongga ate V…"
"Ay wow may budget congrats angkas!"
"Bat naman pati si Ate V dinamay niyo. Hahaha"
"Iba ka Miss Vilma Santos Recto walang kakupas-kupas.."
"Amoyin mo helmet ate v."
"Hanep. Buti pa si ate V nakakabook"
"Taray. Angkas-bato na. Sisigaw ka lang ng Angkas tapos makakalipad ka na parang Darna"
"Sana all nakapag Book agad.. aalisin ako sa work ko pag di ako nakapag agad!!"
"Hanggang batangas na siguro ang abot ng angkas."