Kaya mo bang mag-selfie nang 184 beses sa loob ng tatlong minuto?

Ginawaran ng Guinness World Records (GWR) ang Indian actor, entertainer at all-round superstar na si Akshay Kumar ng parangal na “most selfies taken in three minutes” matapos itong makakuha ng 184 malinaw na selfies sa loob ng tatlong minuto.

Sa ulat ng GWR noong Huwebes, Pebrero 23, nasungkit ni Kumar, 55, ang world record matapos itong mag-selfie sa Mehboob Studios sa Mumbai, India, kung saan mahigit 240 fans niya ang pumunta doon para maki-selfie at suportahan ang kanilang idolo.

Habang nagse-selfie si Akshay sa loob ng tatlong minuto, salit-salitang nakiki-selfie sa kaniyang gilid ang kaniyang fans.

Mga Pagdiriwang

National Coming Out Day, paano nga ba nagsimula?

“It was an excited crowd for sure,” ani GWR Official Adjudicator Swapnil Dangarikar.

Mula kay Akshay Kumar/Instagram

Sa kabuuan ay nakakuha umano ang Indian superstar ng 209 larawan sa loob ng tatlong minuto. Ngunit disqualified at hindi isinama sa final count ang ibang larawan na blurred ang kuha.

“As per the record’s rules, all selfies must be in focus and sufficiently bright enough so that the person appearing in the picture can be recognised and identified as a unique participant,” anang GWR.

Gayunpaman, siya pa rin ang kinilalang bagong record holder matapos niyang mataasan nang 79 bilang ng larawan ang dating record holder na si “The Rock”.

Sinubukan umano ni Akshay na sungkitin ang nasabing record para sa ‘most selfies taken in three minutes’ upang i-promote ang kaniyang pelikulang “Selfiee” na unang pinalabas sa mga sinehan noong Biyernes, Pebrero 24.

Sa kaniyang Instagram post, pinasalamatan ni Akshay ang kaniyang fans at sinabing inaalay niya ang karangalan sa kanila.

“Everything I have achieved and where I am in life is due to the unconditional love of my fans. This is my special tribute to them, acknowledging how they have stood by me throughout my career,” ani Akshay.

“With the help of my fans, we have broken the Guinness World Record for Most Selfies in 3 minutes.”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!