Nangako ang Land Transportation Office (LTO) na gagawa ng hakbang laban sa reklamong mataas na singil ng mga driving sschool para satheoretical driving course (TDC) at practical driving course (PDC) ng mga aplikante.

Binigyang-diin  ni LTO chief Assistant Secretary Jay Art Tugade, hinimay na ng technical working group (TWG) ang ipinaiiral na panuntunan sa operasyon at paniningil ng mga driving school sa mga nag-a-apply ng lisensya.

"LTO is aware of the issue of driving schools charging excessively for TDCs and PDCs, which is why the agency is continuously conducting consultative meetings with stakeholders related to this activity," pahayag ni Tugade.

Iminungkahi aniya ng TWG ang abot-kayang singil ng mga driving school para na rin sa kapakanan ng publiko.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

"Batid po namin sa LTO ang sentimyento ng ating mga kababayan kaya naman ito’y amin nang pinag-aaralan para solusyunan. Maaaring sa mga susunod na linggo ay makapagpalabas na kami ng nirebisang panuntunan hinggil dito," ayon sa opisyal.

Aabot aniya sa₱250 ang singil ng LTO para sa student permit at₱685 naman para sa driver's license.

Sa ilalim aniya ng batas o ng Republic Act 10930, obligado ang mga aplikante na kumuha muna TDC at PDC upang makakuha ng lisensya na mayroong limang taong validity.

Philippine News Agency