Kinilig ang mga tagahanga ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos magkomento ng huli sa latest photos ng Kapuso star habang siya ay nasa pag-aaring farm sa Zambales.

Ibinahagi ni Bea sa kaniyang Instagram post ang ilang mga litrato habang umaawra-awra siya kasama ang mga alagang baka.

"Farm girl," saad niya sa caption.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Nagkomento naman dito ang boyfriend na si Dom.

"My girl," aniya.

Kinilig naman ang mga netizen sa sweet gesture ng Kapamilya actor sa kaniyang gf.

"Wala na may nanalo na!!! 'my girl.'"

"Awww so sweet.. bagay na bagay po talaga kayo… both of you deserve to be with each other."

"Papa Dom, put a ring na kasi. Love ka naman ni Ms. Bei eh. Waiting kami for big day."

"I hope soon mag-propose ka na mukhang waiting talaga si @beaalonzo na gawin mo 'yon."