BAGUIO CITY - Rumampa ang ilang celebrity sa grand flower float parade na tampok sa ika-27 edisyon ngPanagbenga Festival nitong Linggo ng umaga.
Sakayng Baguio Country Club float si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo habang lulan ng Martyr or Murderer float si Cristine Reyes, kasama si Marco Gumabao.
Kasama rin sa parada ang actress na si Lovi Poe na lulannaman ng Eevorskin care depot o SCD float.
Hindi rin nagpahuli si basketball legend at actor na si Benjie Paras at ang anak na si Andre na sakay ng Palawan Express float.
Nasa TIEZA float naman si SenatorLito Lapid at ang anak na si Mark.
Ang flower float parade mula sa small at big category ay dinagsadahil sa mga naggagandahang disenyo ng mga bulaklak.
Naglaban-laban ang kabuuang siyam na small floats at walong big floats. Sa kabila naman ng pagiging Hall of Famers, nakilahok pa rin angBaguio City government, Department of Tourism, Baguio Country Club 1-2 at SM City Baguio.