Isinapubliko ng mga eksperto sa kalusugan na ang kanser ay ikatlo sa nangungunang sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas.

Sa isinagawang National Cancer Summit sa Quezon City kamakailan, binanggit ni Philippine Society of Medical Oncology president Dr. Rosario Pitargue, 184 sa bawat 100,000 pasyente ang natutuklasang may kanser kada araw.

“In terms of death, lung [cancer], it would be followed by liver, breast, colon and prostate,” ayon kay Pitargue.

Sinabi naman ni Healthy Pilipinas co-convener Ralph Degollacion, nakadadagdag sa sakit ang paninigarilyo, labis na pag-inom ng alak, hindi pagsunod sa diyeta at hindi nag-eehersisyo.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Paliwanag naman ni Cancer Coalition Philippines vice president Carmen Auste, karamihan sa mga pasyente ay natatakot magpa-check-up dahil walang panggastos.

Noong 2019, isinabatas ang National Integrated Cancer Control Act (NICCA) na may layuning labanan ang paglaganap ng sakit sa bansa.

Philippine News Agency