Kamakailan lamang ay ibinahagi ni "Pinoy Big Brother" housemate Lie Reposposa na engaged na sila ng british boyfriend na si "Paul."

May parental consent daw ang relasyon at engagement nila kaya ibinigay ni Lie ang matamis na "Yes!" sa kaniyang fiancé.

Sa comment section ng isa sa mga Instagram post ni Lie kasama si Paul at may caption na "Love will travel as far as you let it. It has no limits" ay pinagsabihan siya ng mga netizen. Palagay nila, masyado pa raw bata si Lie para mag-settle down. Dapat daw ay mag-ipon at magtrabaho muna si Lie maging ang kaniyang jowa para sa kanilang kinabukasan.

Lie Reposposa, hiniritan ng 'app reveal' kung saan nakilala ang jowang afam

Narito ang ilan:

"Aren’t you guys too young to get married? I mean, you can settle down for sure but please do settle your life first before pursuing a lifetime commitment together. Save money and find a job that can help you provide your necessities. It’s not easy to be married, especially when you are still young and have no stable income. Anyway, I’m happy for you Lie. You’re becoming a young woman now. Bless you."

"Masyado pa kayong mga bata beh. Hinay-hinay lang Lie."

"Ang bata mo pa Lie wag mag madali sana unahin mo muna pamilya mo magulang mo at mga kapatid."

"Lie hindi sa nangingialam ako!! Payo lang wag ka magmadali jusko!! Fiance mo na pala siya!! 19 ka pa lang."

"Huwag ka munang magpabuntis diyan at baka iwanan ka!"

Sa kabilang banda, may mga netizen at tagahanga rin ni Lie ang dumepensa naman para sa kaniya.

"Daming mga nega hehehe. Puwede naman kasing engaged lang pero d pa agad-agad magpapakasal. Ina-assure lang nila na sila talaga na in the end at walang makapaghihiwalay pa sa kanila. Daming mga bitter."

"Jusko daming inggitera dito sa comment nangengeelam magpakasal dahil bata pa. So what! I wish I met my husband when we were younger ang saya nun. Yung mga Lola Lolo n'yo for sure maaga nagsi-asawahan din nang maaga. Go girl. Enjoy the wedding and marriage. I hope that the love will last for a long long time."

"Enjoy lang baby Lie mahal ka namin kung saan ka masaya go lang nandito lang kami mga fans mo na tunay na nagmamahal."

"C'mon, like responsibility ba ni Lie yung buong angkan? Okay lang mag-support pero 'wag naman i-guilt trip yung tao dahil nag jowa siya. Jusko, 2023 na po!"

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Lie tungkol dito.