Hati ang reaksiyon at komento ng mga netizen sa pelikulang pagbibidahan ni Kapamilya singer Angeline Quinto na kalahok sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival sa darating na Abril.

Kasama ang pelikulang "Single Bells" sa opisyal na walong pelikulang napabilang dito, na nakapasa sa mga inilatag na pamantayan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival (MMFF) screening committee.

Makakasama ni Angge sa pelikula sina Aljur Abrenica at Alex Gonzaga. Hindi ito ang unang beses na magkakasama sina Angge at Alex sa isang proyekto. Pareho silang "seen-vestigator" sa "I Can See Your Voice" noon hosted by Luis Manzano.

"Sa mga marurupok d'yan🤓 Mag-iingay tayo ngayong summer 😊 So blessed to be part of the 1st ever Summer MMFF ngayong April 😎💕," ayon sa Instagram post ni Angge.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

"Salamat Lord sa pagkakataong makapag-entertain muli ng mga kababayan natin through our film 'Single Bells'

kasama sina Alex Gonzaga at Aljur Abrenica😘 Directed by @fifthsolomon 🥰."

"Sana ay suportahan nyo po kami mga ka-twinkle🥰🤩 See you guys," ani Angeline.

Sa comment section, bagama't marami ang nag-congratulate, marami rin ang nagtataas ng kilay na kasama niya sa pelikula ang dalawang kontrobersyal na personalidad.

"Nadamay" tuloy ang singer-actress dahil pass na raw muna sila sa panonood dahil hindi raw nila bet ang mga kasama nito sa pelikula.

"Congrats! Pero pass muna, kasi di ko type yung isang kasamang ghurl."

"Good luck though medyo nanghinayang ako kasi si Alex ang kasama. Sana si Angelica na lang. Tuwa pa naman ako sa Beauty in a Bottle before."

"Pass muna idol… alam mo na… pero congrats pa rin sa'yo."

"Kasama pa n'ya si Alex si babaeng cake at si Aljur na manloloko."

"Sana ikaw na lang di na nagsama ng malas."

"Congrats pero pass muna sis."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Angeline o maging sina Alex at Aljur tungkol dito.