Inanunsyo ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo nitong Linggo, Pebrero 26, na nahihirapan pa rin ang mga rumeresponde na ibaba ang mga bangkay ng apat na sakay ng Cessna 340 mula sa dalisdis ng Bulkang Mayon sa Albay dahil sa masamang panahon, at sa matarik at madulas na lupain ng bulkan.

Sa pahayag ni Baldo, nakuha na kahapon ang labi ng piloto, mekaniko, at dalawang Australian na pasahero na siyang sakay ng nasabing Cessna plane.

BASAHIN: Bangkay ng apat na sakay ng bumagsak na Cessna 340, nakuha na!

Ngunit dahil sa sama ng panahon, at madulas at matarik na daan sa Bulkang Mayon, hirap pa rin umanong bitbitin ng retrieval team ang labi ng mga ito para madala sa kanilang base camp.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

“As relaying the bodies through the anchor system depicts difficulty in rope management because of the volcano's high-angle slopes, the Incident Management Team (IMT) proposed 20 personnel per body as one of their alternative measures to relay down the bodies for 200 to 300 meters and will be hoisted as the team locates a safe landing zone,” ani Baldo.

Pinayuhan ng alkalde ang mga rumiresponde na maingat na isagawa ang mga operasyon upang maiwasang malagay sa panganib ang kanilang mga buhay.

Matatandaang naiulat na nawawala ang nasabing Cessna plane noong Pebrero 18 matapos itong lumipad galing sa Bicol Internation Airport para tumungo sana sa Maynila.

BASAHIN: Isang Cessna plane galing Bicol, nawawala – CAAP