Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magkaroon na ng pagkakasundo kasabay na rin ng pagdiriwang ng ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution nitong Sabado.
“As we look back to a time in our history that divided the Filipino people, I am one with the nation in remembering those times of tribulation and how we came out of them united and stronger as a nation,” pagdidiin ni Marcos.
"I once again offer my hand of reconciliation to those with different political persuasions to come together as one in forging a better society — one that will pursue progress and peace and a better life for all Filipinos,” sabi pa ng punong ehekutibo.
Hindi dumalo si Marcos sa naturang pagdiriwang sa People Power Monument sa Quezon City dahil nagtungo ito sa Laoag City para sa Tan-ok ni Ilocano: Festival of Festivals.
Matatandaang nagwakas ang 20 taong diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. nang patalsikin sa kanyang puwesto noong 1986 matapos mag-aklas ang taumbayan sa pamamagitan ng EDSA People Power.