"Wanted" ang peg ng isang lalaking nagtatrabaho sa isang furniture store kay dating Sexbomb Dancers member Sunshine Garcia, hindi dahil sa may nagawa itong kasalanan o pagkakamali sa kaniya, kundi nais niyang ipadala rito ang selfie nilang dalawa sa loob mismo ng pinagtatrabahuhan nitong furniture store.

Ayon sa Facebook post ni Sunshine, gusto sanang magpa-selfie ang lalaki kay Sunshine subalit wala itong dalang cellphone. Bawal kasi ang pagdadala nito sa oras ng trabaho. Kaya ang ginawa ni Sunshine, siya na lamang ang nag-selfie sa kanilang dalawa. Hinahanap niya ngayon ang social media ng lalaki upang makuha na nito ang kanilang selfie.

"HELP PLS.😬😅," ani Sunshine sa kaniyang caption.

"Gusto magpa-pic ni kuya pero wala syang celfone bawal sa work sabi ko Sige ako na magpicture isesend ko sayo😂 hindi pala kami closed😂😂."

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

"Kaya kung sino man nakakakilala sa kanya pakitag na lang please baka sabihin nya Jinojoke ko sya😅," aniya.

Marami naman ang natuwa at humanga sa misis ni Bulacan Vice Governor at aktor na si Alex Castro dahil ang ibang artista, celebrity, o social media personality raw ay naiisyung isnabera o hindi namamansin, si Sunshine naman daw ay kabaligtaran nila.

Wala pang update kung nai-tag o nakarating na ba sa lalaki ang photos nila ni Sunshine.