Nakiisa ang Kabataan Partylist sa kilos-protestang isinagawa ng iba’t ibang progresibong grupo sa EDSA People Power Monument Shrine sa Quezon City bilang komemorasyon ng ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution nitong Sabado, Pebrero 25.

Isa sina Kabataan Partylist Rep. Raoul Danniel Manuel at Labor Leader Elmer "Ka Bong" Labog sa mga lumahok at sa nasabing protesta.

“Patuloy nating isadiwa ang pagkamit ng kalaayan ng masang Pilipino mula sa diktaduryang Marcos Sr.!” pahayag ng Kabataan Partylist.

Kasabay ng komemorasyon ay pinanawagan din umano ng naturang partylist ang mariin nilang pagtutol sa panukalang Mandatory ROTC at Charter Change.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Bitbit natin ang samu't saring kampanya sa hanay ng kabataan at ng sambayanang Pilipino,” saad ng Kabataan Partylist.