Umaabot sa mahigit P34.2 milyong tulong medikal ang ipinamahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mahigit 5,000 indigent patients sa bansa noong nakaraang linggo lamang.

Sa datos na inilabas ng PCSO nitong Sabado, nabatid na mula Pebrero 13-17, 2023, kabuuang 5,184 nangangailangang pasyente ang nabiyayaan nila ng kabuuang P34,272,762.68 na medical assistance sa ilalim ng kanilang Medical Access Program (MAP).

Kabilang dito ang 636 pasyente mula sa National Capital Region (NCR) na nabigyan ng P7,879,466 kabuuang tulong.

Sa Northern at Central Luzon, P7,928,310.07 medical assistance na naipagkaloob sa may 1,160 benepisyaryo habang sa Southern Tagalog at Bicol Region naman ay P6,797,042.09 ang naipamigay sa may 1,416 pasyente.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa Visayas naman, P6,647,070.87 ang tulong medikal na naipamigay sa may 1,042 indigent patients habang 930 pasyente naman ang nakinabang sa may P5,020,873.65 na halaga ng medical assistance sa Mindanao.

Nabatid na ang naturang pondo ay ini-release ng PCSO sa ilalim ng MAP at sakop nito ang tulong para sa confinement, dialysis injection, cancer treatment, hemodialysis, laboratory, diagnostic, at imaging procedures, at implant at medical devices ng mga nangangailangang pasyente.

Kaugnay nito, hinikayat namang muli ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilin ang mga PCSO games dahil malaking bahagi ng kinikita nila dito ang napupunta sa kawanggawa, gaya ng MAP.