Bigla-bigla ay tila marami na ang nagnanais na kuning ninang o kaya naman ay maging tiyahin ang social media personality na si Zeinab Harake, matapos niyang sabihing bibigyan na lamang niya ng ₱100,000 ang pamangking nagdiwang ng kaarawan, dahil hindi na siya nakabili ng regalo rito.

Mapapanood sa vlog ng kapatid ni Zeinab na si Rana Harake na sinabi ng kaniyang tita na bibigyan na lamang niya ng cash ang pamangkin.

"Niesha, tumatanggap ka ba ng cash? Bibigyan na lang kita ng 100k check," sey ni Zeinab.

"Ay, mapupunta lang sa ina 'yon, sure ka ba?" pabirong tanong ni Rana.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

"Kaya ko nga tinatanong kasi wala akong regalo, eh ninang ako nito," tugon naman ni Zeinab.

Pabirong nasabi ni Rana na buti na lang, hindi niya inaanak ang pamangking si Bia, anak nina Zeinab at dating karelasyong si Skusta Clee o Daryl Ruiz.

Samantala, hindi naman sigurado kung talaga bang walang regalo si Zeinab kaya cash na lamang ang ibinigay sa pamangkin-inaanak, pero sabi tuloy ng mga netizen, ang sarap namang maging ninang ng vlogger.

&t=9s