Inanunsyo ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo nitong Sabado, Pebrero 25, na nakuha na ng kanilang assault teams ang mga bangkay ng apat na sakay ng Cessna 340 na bumagsak sa dalisdis ng Bulkang Mayon sa Albay.

Sa pahayag ni Baldo, idadala na ngayon ang mga labi sa assault base camp.

“Assault teams successfully retrieved the four (4) bodies and currently on their way to assault base camp,” anang alkalde.

Matatandaang naiulat na nawawala ang nasabing Cessna plane noong Pebrero 18 matapos itong lumipad galing sa Bicol Internation Airport bandang 6:43 ng umaga.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

BASAHIN: Isang Cessna plane galing Bicol, nawawala – CAAP