Nagbigay ng mensahe ang dating senador na si Bam Aquino para sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power I Revolution, ngayong Pebrero 25.

Ibinahagi ni Aquino ang pubmat ng kaniyang tiyuhing si dating Senador Ninoy Aquino na siyang lider ng oposisyon noon sa panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Mababasa rito ang naging pahayag ni Ninoy noon na "We should not depend on one man; we should depend on all of us."

"All of us are expandable in the cause for freedom and therefore I say stand up now and be a leader, and when all of us are leaders, we will expedite the cause of freedom," dagdag pa.

National

Pamilya Aquino sa EDSA 37: ‘Walang duda: buhay ang diwa ng EDSA’

Pahayag naman ng dating senador, "Tulad ng paniniwala ni Tito Ninoy, nakaukit na sa puso ng mga Pilipino ang pagtutulungan at pagkakaisa. Lahat tayo ay may kakayanan na patuloy na mahalin, ipaglaban, at itaguyod ang Pilipinas. #EDSA37."

https://twitter.com/bamaquino/status/1629119371715960833

Nagbigay na rin ng pahayag ang Pamilya Aquino para sa EDSA 37.