Puring-puri ni Manay Lolit Solis ang mga Kapuso actress na sina Sanya Lopez, Kylie Padilla, at Gabbi Garcia sa trailer ng kanilang bagong teleserye na “Mga Lihim ni Urduja” na mapapanood na susunod na linggo.

"Ang ganda ni Sanya Lopez sa kanyang teaser ng Mga Lihim ni Urduja, Salve ha. Talagang kitang kita mo ang classy expression sa mukha nito, at ang fresh na dating ng ganda. Pati si Kylie Padilla ang ganda ng dating. Parang tinambakan ng lahat ng maganda ang serye na ito, dahil kahit si Gabbi Garcia ang ganda ganda din," ani Lolit sa kaniyang IG post nitong Biyernes, Pebrero 24.

Palagay rin daw ni Lolit ay magiging top rater ang teleserye dahil sa ganda ng tatlo.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Kaya naman inaanyayahan niya ang mga netizen na panoorin ang nasabing teleserye na mapapanood na sa susunod na linggo dahil ito ang papalit sa "Maria Clara at Ibarra."