Inamin ni Megastar Sharon Cuneta sa naging panayam sa kaniya ni Ogie Diaz sa vlog nito na pagdating na pagdating sa kaniyang mga anak, kayang-kaya niyang makipagbardagulan o saluhin ang panganib na nakaamba sa kanila, maisalba lamang ang buhay ng mga ito.

Dahil siya ang nagpalaki sa kanila, sinabi ni Sharon na pinalaki niyang may mabuting puso ang mga anak, magmula sa panganay na si KC Concepcion na anak nila ng dating mister na si Gabby Concepcion, at mga anak nila ni dating senador Kiko Pangilinan.

Natanong ni Ogie si Shawie kung bakit mas madalas siyang maiyak kapag pinag-uusapan o patungkol ang paksa kay KC.

Pag-amin ni Sharon, bagama't mahal na mahal niya si KC ay hindi umano maiiwasan ang kanilang "pagbabanggaan" dahil sa magkaiba nilang paniniwala at personalidad.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

"I think marami naman ang nakakaalam na hindi naman lahat ng anak mo, makakasundo mo pare-pareho. You would love all of them equally," ani Megastar.

"Diyos na lang ang nakakaalam kung gaano ko kamahal yung panganay ko. Iyan ang unang-unang nagparamdam sa akin ng pagiging isang ina."

Mahal na mahal ni Shawie si KC dahil ito ang kaniyang unang prinsesa.

"Only my children are the people I would die for."

Pareho raw silang "bullheaded" , "stubborn" at may strong will, subalit ang dalawang katangiang ito ay nagiging dahilan din upang hindi sila magkaunawaan. Very north and south daw silang mag-ina.

"Very opposite mga ugali namin so di naiiwasan yung nagbabanggaan," dagdag pa ni Sharon.

Matatandaang laging iniisyu ng mga netizen na hindi raw sila in good terms ni KC, at may favoritism siya pagdating sa mga anak, lalo na noong nagtungo sa Amerika si Shawie dahil naroon si Kakie.

Kinuwestyon ng mga netizen kung bakit hindi raw kinita ni Mega si KC gayong nasa US na siya. Bagay na pinalagan naman niya at nagpaliwanag.