Malaki ang pasasalamat ng ina nina Toni at Alex Gonzaga na si Mommy Pinty Gonzaga matapos isauli sa kaniya ng isang "good Samaritan" na delivery rider ang iPhone niyang nawala habang nasa Luneta Park, Manila.

Makikita ito sa kaniyang Instagram post kung saan kalakip ang TikTok video naman ni Alex tungkol dito. Nakilala ang Grab Express rider na si Paul Hicom.

"Thank you Paul Hicom grab express rider for returning my lost fone in Luneta Manila. Godbless you more and more. Isa kang magandang ehemplo sa amin lahat! Mabuhay ka," ani Mommy Pinty sa kaniyang caption.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maririnig sa video ang pagpapasalamat ni Uncle Jojo kay Paul. Pinagbigyan naman nila itong magpa-picture sa kanila.

Pinuri naman ni Daddy Bonoy si Paul at aniya, bumiyahe pa raw ito patungong Taytay, Rizal kung saan nakatira ang mga Gonzaga upang maisauli ang cellphone.