Kinaaliwan ng mga netizen ang tweet ng isang Kapuso viewer matapos nitong mapansin ang pagkakahawig ng Kapamilya "It's Showtime" host na si Jhong Hilario sa karakter ng Kapuso actor na si Rocco Nacino na "Elias," sa magtatapos na hit teleseryeng "Maria Clara at Ibarra."

"Di mo kami maloloko Jhong Hilario!" sey ng netizen. "Ibalik mo si Elias!"

Niretweet naman ito ni Rocco at tila sumang-ayon siyang kahawig nga siya rito ni Jhong.

"Hahahahaha oo nga noh!" ani Rocco.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

https://twitter.com/nacinorocco/status/1627900334319476736

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Jhong at kinomentuhan, "Hahahaha salamat bro @nacinorocco pinaguwapo mo ko!"

https://twitter.com/jhongsample/status/1628240994650169344

Tugon naman ni Rocco, pinagpapa-sample naman siya ng mga netizen dahil si Jhong nga ay tinaguriang "Sample King."

"Bwahahaha brother pinapa back flip ako sabi ko ang nag-iisang jhong lang ang makakagawa nun!" ani Rocco.

https://twitter.com/nacinorocco/status/1628262723724414976

Natutuwa naman ang mga netizen dahil wala naman talaga daw masamang tinapay sa mga artista ng dalawang magkaribal na network; fans lang daw talaga ang gumagawa ng isyu kaya hindi matapos-tapos ang "network war."