Naaliw ang mga netizen sa rebelasyon ng batikang aktres na si Dina Bonnevie patungkol sa premyadong aktor na si Christopher "Boyet" De Leon, sa vlog ng kaniyang kaibigang si Snooky Serna.

Sa pamamagitan kasi ng "Throwback Pictures" ay isa-isang ipinakita ni Snooky sa kaibigan ang litrato ng mga naging leading man ni Dina sa pelikula kagaya na lamang ni Christopher o kilala nga sa palayaw na "Boyet."

Kuwento ni Dina, noong nagsisimula pa lamang silang magtambal sa pelikula ay aminadong medyo hindi sila magkasundo dahil madalas late daw ang beteranong aktor.

Lagi raw tinatarayan ni Dina si Boyet sa tuwing nale-late ito.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Hanggang sa magkaroon sila ng kissing scene sa isang pelikula. Bago raw nito ay sinadya ni Boyet na kumain ng bagoong bilang "ganti" sa katarayan ng aktres.

"Arte-arte mo kasi eh," tawang-tawang sabi raw ni Boyet sa kaniya.

Pero sa pagdaan ng panahon ay pinuri ni Dina ang mga pagbabago kay Boyet na ngayon ay isa sa mga tinitingalang aktor sa Philippine showbiz.