Makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong Huwebes, Pebrero 23, dahil sa northeast monsoon o amihan at localized thunderstorms, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, magdudulot ang amihan ng maulap na may kasamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Aurora.

Maaaring magkaroon ng pagbaha o kaya naman ay pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Samantala, makarararanas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng Luzon dahil din sa amihan. Ngunit wala namang inaasahang malaking epekto ang pag-ulan dito.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Magkakaroon naman ng medyo maulap hanggang sa maulap na may panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms sa Palawan, Visayas, at Mindanao bunsod ng localized thunderstorms.

Posible rin ang pagbaha o kaya naman ay pagguho ng lupa sa mga naturang lugar tuwing magkakaroon ng malakas na thunderstorms.