"FYI walang inagaw, at lalong wala kaming nilokong tao alam yan ni Kylie, kung sira man family nila, one thing is for sure HINDI AKO ANG NANIRA NG FAMILY NILA."

Tila naubos na ang pasensya ng aktres na si AJ Raval matapos nitong sagutin ang mga negatibong komento tungkol sa kaniya at sa relasyon nila ng aktor na si Aljur Abrenica. 

Pinutakte ng mga negatibong komento ang Facebook post ni AJ nitong Huwebes. Makikita sa comment section ang mga paratang sa kaniya ng mga bashers kung saan tinatawag siyang "mang-aagaw, kabit, at naninira ng pamilya."

Saad ng netizen, "isa pa din tong kabit mang aagaw parang wlang lalaki sa mundo hahaha alam nya may familya si A panatolan din."

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Sinagot naman ito ni AJ, aniya wala raw siyang inagaw at binigyang-diin na hindi niya sinira ang pamilya nina Kylie at Aljur.

"Madam, FYI walang inagaw, at lalong wala kaming nilokong tao alam yan ni Kylie, kung sira man family nila, one thing is for sure HINDI AKO ANG NANIRA NG FAMILY NILA. At literal na hiwalay na sila bago ako pumasok. kaya wala kang karapatan sabihinsa akin yan. Bakit hindi nyo na lang i research or hanapin kung sino ba talaga nanira? bakit ako ang sumasalo ng kasalanan na hindi ko naman ginawa? Anyway may you find your peace and happiness God bless you and you Family."

Sa isa pang komento sinabi ng netizen, "FYI madam hindi po tayo perpertu peru panigurado alam niu po ang tama sa mata ng Dios lods. Godbless." Kalakip pa nito ang larawan ng 10 utos ng Diyos na nakasulat sa Bibliya.

Kaya naman nireplyan ito ng aktres aniya: "May asawa ba? hiwalay LITERAL na hiwalay uulitin ko HIWALAY LITERAL NA HIWALAY.. So pag si Aljur nagkaron ng partner kasalanan na? Pag si Kylie nagkaroon ng partner deserve niya maging masaya? e pareho lang naman sila..."

Ayon naman sa isa pang netizen, kahit bali-baliktarin daw, lumalabas na kabit pa rin daw si AJ dahil kasal sina Kylie at Aljur, anito: "Aj Raval ...hahah so inamin modin n kabit Ka nga ni aljur ..non Una Panay dinay Ka hahaha ..balikbaliktarin mo man kabit Ka parin Kasi kasal c Kylie at aljur hahahahahaha."

Ipinaliwanag naman ng sexy actress na wala raw silang dineny ni Aljur tungkol sa kanilang relasyon: "Matapang kong hinarap yan inamin namin yan at walang nag deny, kung nag play safe or nag sinungaling rin kami noon edi sana safe na safe rin kami ngayon… that time totoo naman na ligawan stage kami at last year July 17 2022 lang naging official. so anong problema mo saamin? Anong deny ang sinasabi mo? Mabuti ang intention ko wala akong masamang hangarin… at hindi ko kayang manakit ng kapwa ko tao walang katotohanan yang sinasabi mo."

Bukod dito, isinapubliko ni AJ ang pag-uusap nila ni Kylie sa Instagram kung saan mababasa na sinabi ng huli na hindi third party ang una. 

“Nag post na ako ng video namin ni aj, I do respect you pero gusto ko na lang din manahimik mga tao and tigil na sila sa kakahuli saamin nanawa na rin ako hehe. I hope everything is fine,” sabi ni AJ kay Kylie.

Sumagot naman ang Kapuso actress: "Ok naman ikaw? It’s fine ano ka ba. Wala namang issue sakin. Di naman ikaw ang naging problema namin sa relationship namin before. Di ko rin alam paano gagawin sa sitwasyon. Pinaliwanag ko naman na sa mga tao na hindi ka 3rd party. Hay.”

Nagsalamat naman si AJ sa pagpapaliwanag ni Kylie: "Okay ako. Yes yes, salamat sa pagpapaliwanag. Na appreciate ko yon. At humihingi rin ako ng pasensya sayo sainyo sa na cause ko na gulo. Thank you sa understanding. Can I follow you?"

Sagot naman ng anak ni Robin Padilla: “Magulo na kami before pa ng lahat eh. Magulo lang talaga. Bka may way para maipakita natin na ok naman na ang lahat. Mag isip ako ng paraan. Kasi ayoko din yung nangyayari. Nag cacause ng stress of both sides na pwede naman maging ok tayo. Gusto ko mag thank you na inalagaan mo mga babies ko. it means everything na minamahal mo rin sila.”

Matatandaang isinapubliko na nina AJ at Aljur ang kanilang relasyon kamakailan.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/02/14/aj-raval-ibinalandra-na-si-aljur-abrenica-netizens-hinahanap-anak-nila/