Matapos ang naging mga pasabog ni Miss Universe Philippines 2020 at co-host ng "TikToClock" na si Rabiya Mateo sa "Fast Talk with Boy Abunda" kaugnay ng pagtanggi niya umanong magpakasal sa ex-boyfriend na si Neil Salvacion, usap-usapan naman ngayon ang pagpalag dito ng kapatid nito.

Ayon pa kay Rabiya, kung sakali naman daw ay handa na siyang magsettle down kung aayain na siya ng kaniyang nakabalikang boyfriend na si Kapuso actor Jeric Gonzalez. Handa na rin siyang "magpabuntis" dito at maging ina, tutal naman daw ay nakabili at nakapagpagawa na siya ng bahay para sa kaniyang ina.

Noon daw kasi, hindi pa siya handa sa alok ni Neil dahil pakiramdam niya, masyado pa siyang bata.

“I was 23 years old then. While Neil was ready to settle down, I wanted to aspire more. Alangan namang iwanan ko ang pamilya ko. Doo nag-ugat ang conflict namin aside from the fact na ako nga ang breadwinner sa family,” ani Rabiya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Bagay na inalmahan naman ng kapatid na babae ni Neil.

"Nako! Ate," saad ng isang nagngangalang "Nhel Skie."

"There’s always an option."

"To answer a question truthfully or to spill the tea with a fib."

"In addition. I’d like you to pay attention to this."

"You never rejected my brother’s proposal. In fact, you accepted it and wore the ring before your pageant started internationally. Something happened along the way and you opted to commit a sin during the pageant and you have to own up to that."

"You’re lucky na mas gustong manahimik ng kapatid ko kesa patulan ang mga scripted na sagot mo," aniya pa.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Rabiya hinggil dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.