Kinakiligan ng mga netizen ang isang babaeng proud na flinex ang kaniyang boyfriend na gumawa ng isang 'paper bouquet' dahil hindi kaya umano nitong bumili ng bulaklak.

Mababasa sa Facebook post ni Hannah Escaro na gustong-gusto umano niya ng isang bouquet ng mga bulaklak ngunit naiintindihan niya na hindi ito kayang bilhin ng kaniyang nobyo. Pero dahil sa kagustuhan ng lalaki, nakaisip ito ng paraan na gumawa ng isang paper bouquet para maipadama ang kaniyang pagmamahal.

Ani Hannah, dahil nahihiya umano ibigay ang bulaklak sa kaniya, palihim na pumasok ito sa kaniyang kwarto at inilagay ang gawa nito sa ilalim ng kaniyang kama.

Narito ang kaniyang buong post:

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“He said he can’t afford to buy me a bouquet of flowers since he knew how i badly wanna receive one, and since this man always wants to make me happy, he made this paper bouquet and said he was too shy to give it to me in person since “iyan lang daa ang kinaya nya”.

Dagdag pa niya, "So he sneaked it into my room and sinabi nya sako kang naka uli na sya, hahahah he’s such a cutiee. If he wanted to, he will” this may not be a real or expensive bouquet of flowers like y’all received from your bfs but his effort making it makes it verryyy priceless and valuable for me."

Narito naman ang ilang komento ng netizens:

"It's ok basta binigay na mula sa puso."

"*Plays Flowers by Miley* I can make myself flowers sanaol po sa inyo!"

"PAG GUSTO MAY PARAAN! SANA ALL!!"

"Jusko yan ang when??"

"Mas nakakatouch to kasi sya mismo gumawa."

"Much more appreciated kapag ganto"

"Kung gusto talaga may paraan"

"Effort is really nakakakilig.This will last long than the usual."