Laking-gulat ng netizen na si "Lenmar Davidon" nang makasama niya sa loob ng elevator ang sikat na lead vocalists ng pop band na "Ben&Ben" na sina Paolo at Miguel Benjamin Guico, ayon sa kaniyang Facebook post na "Homepaslupa Buddies 3.0."

"Yung di mo inexpect na makakasalubong mo sila sa elevator! Jusko! Isa sa unexpected at pinakamasayang pangyayari na nangyari sa buhay ko! Di ko kinaya!" ayon kay Lenmar, taga-Bacolod City, at isang event host.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Paolo at Miguel Benjamin Guico at Lenmar Davidon

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita kay Lenmar, hindi niya inaasahang makakasama niya sa iisang elevator ang kaniyang mga iniidolo. Hindi kasi siya nakapasok sa show nila sa sa Bago City, Negros Occidental ng araw na iyon dahil sa dagsa ng mga tao.

"May event sila at galing silang Bago City, Negros Occidental na it takes 20-30 minutes travel kasi festival nila, at the same time pumunta rin ako roon kaso di ako nakapasok due na ang daming tao talaga at grabe ang pila na manonood. Nawalan na ako ng pag-asa, bumalik na lang ako sa Bacolod nag-travel pabalik. Pumunta na lang ako sa hotel na di ko alam talaga na doon sila naka-check in, pag open ng elevator di ko inexpect na sila pala tapos na pala yung event nila. Very unexpected talaga jusko! Ben & Ben ang nakasalubong ko," aniya.

Nag-hi naman daw ang dalawa sa kaniya.

"Actually, ako una yung bumati na na-shock pa rin. Ben&Ben? Huhu nag-hi sila jusko! Pramis! Di ako nakapagsalita po. Sa totoo lang isang pila talaga yung pic namin dahil nataranta ako."

Paolo at Miguel Benjamin Guico at Lenmar Davidon

"I'm so happy and blessed talaga that night. Di man ako nakapanood talaga sa kanila dahil nawalan na ako ng pag-asa, pero dininig ni Lord yung prayer ko na makita ko sila one on one! Ang saya ko talaga."

"Dito ko talaga na-feel na blessed ako at napakasuwerte talaga na makita ang Ben&Ben. Dreams do come true!" dagdag pa niya.