Sibuyas at itlog, out! Gold bars, in!

Panggulat ang souvenir ng bagong kasal na sina Emerson Tolentino at Aeriel Estacio, online sellers mula sa Taytay, Rizal dahil literal na ginto ang halaga nito---gold bars lang naman na may apat na pulgada at 24 karat!

Ayon sa panayam ng Manila Bulletin Lifestyle kay Aldrin Gohel na siyang nagsilbing wedding coordinator ng kasal na ginanap sa Aquila Crystal Palace,Tagaytay City, 100 piraso ng gold bars na nakasilid sa red velvet box ang kanilang ipinamigay---80 piraso ay para sa kanilang mga panauhin at 20 piraso naman sa mga kliyente, Bawat isang gold bar ay may presyong ₱15,000. Samakatuwid, sa give-aways pa lamang ay nasa ₱1.5M ang nagagastos nila!

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nakadisenyo sa bawat gold bars ang isang kuneho dahil "Year of the Rabbit" ngayong 2023.

Huwag magtaka dahil pag-aalahas naman talaga ang negosyo nila. Anila, ito raw ang paraan ng pagpapasalamat nila sa kanilang mga kliyente dahil kung hindi raw dahil sa kanila, hindi naman daw sila yayaman o makakapamuhay nang mariwasa.

Narito naman ang ilang reaksiyon at komento ng netizens:

"Kahit di na pakainin sa venue walang magrereklamo basta may gold."

"Okay nga 'yan eh, at least talagang may value at puwede pang masanla. Unlike sa ibang mga give-aways na minsan, naaalikabukan na lang o kung saan-saan na lang napupunta."

"Grabe ang yaman nila, souvenir pa lang yayamanin na!"


Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!