Kinatuwaan ng mga netizen ang pagkikita-kita nina Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda, Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, at Megastar Sharon Cuneta na ibinida ng huli sa kaniyang Instagram post.

Kahit noon pa man ay aminadong faney na si Vice nina Regine ar Mega, kaya talagang nagpupunta at sumusuporta ito sa kanilang concerts.

"And it was great seeing my Vicey again after so long!!! @praybeytbenjamin," sey ni Mega sa caption.

Vice Ganda, may 'amoy-imburnal' na sikreto, ispluk ni Cristy Fermin

Habang marami ang natutuwa sa pagkikita ng tatlong icons, may ilang mga napansin naman ang netizen sa pangalawang litrato ni Megastar.

Para daw kasing edited lamang ito at ipinatong lamang ang mukha niya sa katawan.

"Bat ganyan mukha ni Sharon parang ipinatong lang," sey ng isa.

“anyare sa pangalawang photo parang pinatong mukha nyo po ate shawee hihi," pahayag naman ng isa.

May ilang mga netizen naman ang nagtanong kay Shawie kung totoo ba ang ispluk ng showbiz columnist na si Cristy Fermin tungkol sa hininga ni Vice.