Bukod kay Maymay Entrata, napapa-sana all din ang mga netizen kay dating "Pinoy Big Brother: Otso" housemate Lie Reposposa dahil sa pagkakaroon ng afam na jowa o dayuhang boyfriend.

Napaulat na rin dito sa Balita ang Instagram post ni Lie bandang Disyembre 2022 kung saan nagpa-grand reveal siya kalakip ang mga litrato nila ng jowa.

"You're my sun and moon, your everything between in the middle of the stars collide with you #rodtoo4ever," sey ni Lie sa caption.

"Wow yes #rod2forever #urthegravityinthemoon ❤️❤️❤️," tugon naman ng kaniyang 19 anyos na British boyfriend na si "Paul".

'Prayer reveal naman!' Lie Reposposa, hiniritan ng mga netizen, paano raw magkajowa ng afam

Hindi na idinetalye pa ni Lie kung paano sila nagkakilala ng dayuhan, subalit umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. 'Prayer reveal" naman daw, anila.

Sa TikTok ay madalas na fine-flex ni Lie ang lambingan nila ng jowa.

Sinagot naman ni Lie sa pamamagitan ng TikTok kung anong dating app ang ginamit niya na naging daan para makilala ang afam.

Tunog "Grab" daw ang sinambit ni Paul pero sabi ng mga netizen, baka "Gram" o Instagram ang nais nitong sabihin.

Ang Grab ay isang sikat na mobile app para sa transportation, food delivery at digital payments services.