Isang 17 taong gulang na Filipino-Canadian ang pinakaunang nakakuha ng platinum ticket sa ika-21 season ng singing competition at television series na "American Idol."

Pinahanga ni Tyson Venegas ang tatlong judges na sina Lionel Richie, Luke Bryan at Katy Perry sa kanyang rendition ng "New York State of Mind" ni Billy Joel.

Si Venegas ay isa sa mga kalahok ng Season 2 ng "The Voice Teens" ng ABS-CBN sa ilalim ni Coach apl.de.ap ngunit umalis sa kompetisyon bago ang Knockouts dahil sa hindi nasabi na mga dahilan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

https://youtu.be/Z7v3HC2yvH0

"Let me tell you, that performance was spot on professional," ani Richie.

"You sang notes and runs that I haven't felt in my body in a long time, and I felt so connected, I felt alive," komento naman ni Katy sa naging performance ni Venegas.

"You are exactly what we look for, what we prayed for and you're there," ani Bryan.

Ngayong nakakuha na ng platinum ticket si Venegas, magkakaroon ng advantage ang singer sa mga kalaban nito sa Holywood.

Sa pamamagitan ng platinum ticket, pinapayagan silang laktawan ang isang round ng Hollywood week. Bukod pa rito, maaari rin nilang panoorin ang iba pang mga kalahok na nagpe-perform habang nagpapahinga sila para sa round.