Pumalag at bumanat ang komedyante at social media personality na si "Awra Briguela" sa mga umokray sa kaniya matapos magsuot ng swimsuit at i-flex ito sa social media habang nakabakasyon sa isang beach sa Elyu o La Union.

May mga netizen kasi ang nagsabing sa unang tingin, aakalain daw na si "President" Nadine Lustre ang kanilang nakikita.

Subalit may ilang detractors na nagsasabing siya raw si "Nadine-gue Lustre," "Nadine-monyo Lustre," Nadine-goy Lustre," at iba pang mga mapanlait na tawag.

May ilan ding kumukuwestyon sa kaniyang gender expression.

'Nangangabog!' Awra Briguela, napagkamalang si Nadine Lustre

Ibinahagi naman ni Awra sa tweet ang screengrab ng isang ulat ng isang pahayagan tungkol dito at saka kinomentuhan.

"Kaya hindi na ako nagamit ng Facebook eh, apaka daming perfect na akala mo ang popogi at ang gaganda nila. jusko," aniya.

https://twitter.com/AwraBriguelaaa/status/1627906446137622529

"Just FACTS: Unattractive men are the homophobic ones.. i asked why?! 🙄 maybe because they will never accept truth.. TRUTH that i look good - hmm GREAT and BETTER than they will ever be," buwelta pa ni Awra.

https://twitter.com/AwraBriguelaaa/status/1627969062931402753

Wala pang reaksiyon o pahayag tungkol dito si Nadine.