Kinlaro na ni Superstar Nora Aunor ang naging tampuhan nila ng anak na si Matet De Leon noong 2022, sa "Fast Talk with Boy Abunda."

Matatandaang naglabas ng kaniyang hinanakit si Matet sa umano'y pagkopya ng kaniyang inang si Ate Guy sa gourmet tuyo at tinapa business nila ng mister.

Ngunit makalipas lamang ang ilang linggo ay nagkaayos na ang dalawa, nang masipatang magkasama sa birthday party ng singer na si John Rendez, noong Enero 2023.

Mag-inang Nora Aunor, Matet De Leon, nagkita sa party ni John Rendez; nagkaayos na ba?

Sey ni Ate Guy, hindi niya akalaing magtatampo si Matet at lalaki ang isyung iyon.

"Siguro may pinagdadaanan din 'yung anak ko at hindi ko rin naman alam na may pinagdadaanan siya," ani Nora.

"Marami akong pagkukulang sa mga anak ko, pero pagka nagkikita kami nasasabi ko 'yung mga sama ng loob ko sa kanila, pinag-uusapan namin, ano 'yung dapat gawin, nakikinig naman sila," pahayag pa ng Superstar.