Naghain si Sen. Robinhood "Robin" Padilla nitong Lunes, Pebrero 20, ng resolusyon na magtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa giyera kontra droga ng bansa.

Sa kaniyang ipinasang Senate Resolution 488, iginiit ni Padilla ang "unequivocal defense of former President Rodrigo Roa Duterte, the 16th President of the Republic of the Philippines, in any investigation or prosecution by the ICC."

Nakalagay sa resolusyon na ang Pilipinas umano ay mayroong "functioning and independent" judicial system.

Binanggit din ni Padilla sa resolusyon ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na isang "insulto" at "totally unacceptable” daw ang naging pagpayag ng ICC na imbestigahan ang  "crimes against humanity" ng bansa.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

BASAHIN: Pilipinas, hindi yuyuko sa ‘political agenda’ ng ICC – Sec. Remulla

Samantala, ipinunto ni Padilla na sa administrasyong Duterte, nagkaroon ng "remarkable accomplishments" dahil sa kampanya nito laban sa iligal na droga.

Matatandaang kamakailan ay pinangunahan ni House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpapasa ng kaparehong resolusyon hinggil sa pagdepensa kay Duterte sa House of Representatives.

Pinayagan ng ICC Pre-Trial Chamber I nitong Enero ang kahilingan ng ICC Prosecutor’s Office na buksan muli ang imbestigasyon sa nangyaring patayan sa gitna ng war on drugs ng administrasyon Duterte.