Sa pangalawang pagkakataon, ikinasal muli ang singer-songwriter na si Nica del Rosario sa kaniyang partner na si Justine Peña.
Ang nasabing kasalan ay ginanap noong Sabado, Pebrero 18 sa Indang, Cavite kung saan isa sa mga panauhin ang dating pangalawang pangulong si Atty. Leni Robredo.
Matatandaan na ang newly-weds, kasama si Jeli Mateo ang sumulat ng “Rosas” na isa sa mga campaign jingles ni Robredo nang tumakbo ito sa pagka-pangulo Mayo noong nakaraang taon.
Nitong weekend, ibinahagi naman ni Nica sa kaniyang Instagram account ang mga larawan sa nasabing kasalan mula sa kanilang official wedding photographer.
“Sexuality isn’t a choice but happiness is. Words that resounded today at the wedding of Jus + Nica. 150 guests fully supporting this purest form of love - family and chosen family alike. The biggest privilege to shoot the wedding of my good friends Jus + Nica, proof that love so pure attracts the same love tenfold,” lahad ni Nica sa caption.
Sa sumunod na post naman ay ibinihagi rin ni Nica ang first dance nila ni Justine.
“Heto na naman tayo hahahaha. Marami ulit kaming gustong sabihin at pasalamatan, pero sa ngayon, ibabahagi nalang muna amin ang aming first dance na kasama ang aming mga kaibigang mananayaw/Tala nation НАНАНАНА labyu guysss #JusmarriedNica #Lesbinanza2023,” aniya.
Nauna nang ikinasal sa Sydney, Australia sina Nica at Justine noong Agosto 2022.