Patay na ang isang Pinay at tatlong anak na nauna nang naiulat na nawawala sa pagtama ng 7.8-magnitude na lindol sa Turkey kamakailan.

Ito ang kinumpirma ng Philippine Embassy sa Turkey nitong Linggo. Gayunman, hindi na muna isinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga ito.

"It is with deepest regret that the Embassy must confirm the passing of a Filipina housewife and her three children, previously reported to be missing under the rubble in Antakya. She and her children have been laid to rest by her Turkish husband, in accordance with Turkish tradition," ayon sa pahayag ng Embahada ng Pilipinas.

Kaugnay nito, nilinaw ng embahada na inaapura na nila ang pagpapauwi sa mga Pinoy na nakaligtas sa lindol dahil nais nang makapiling ang kani-kanilang pamilya sa Pilipinas.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Matatandaang niyanig ng malakas na lindol ang Turkey at Syria nitong Pebrero 6 na ikinasawi ng mahigit sa 46,000 katao.